Sunday, December 14, 2008

Dinuguan

image  Special Request ng aking friend na si Umma ang recipe ng Dinuguan, so I will post it here. Di ko kasi alam if some people will find it not appetizing gawa ng kulay black..Pero ang sarap nito ha. I cook this every so often, kasi ito ang favorite ko eh. Kaya yata maitim ako, hay..

Ingredients:

3 lbs. Pork Intestine

1 lb. pork

4 slices Beef Liver

1 cup beef/pork blood

1 medium sized onion

3 cloves gralic

2 tbsp. cooking oil

salt

pepper

fish sauce

vinegar

jalapeno

MSG (optional)

Direction:

1. Ilaga ang Pork Intestines hanggang lumambot, hiwain ng maliit. Itabi ang sabaw. Set aside. Use it as sabaw for the dish. Hiwain ang pork at ang beef liver.

2.  Igisa ang bawang at sibuyas sa 2 tbsp. cooking oil.

3. Idagdag ang pork intestine, pork at liver at fish sauce. Add 1/2 tsp pepper. Add 2-3 cups pork stock.

4.  Let boil for 5-7 minutes.

5. Add the beef blood, make sure that you don't put too much stock. Tantyahin kung ganon kalapot nyo gusto ang sabaw.

6.  Let it boil for at least 10-15 minutes to cook the blood thoroughly. Add some jalapenos, 1/2 vinegar (or kung ganon kaasim nyo gusto) add some MSG. Season according to your taste..

Note: Makes 10 servings.

7 comments:

Umma said...

huhuhu tulo laway ko Mommy Liz.... sarap talaga ng dinuguan.. its one of my favorite filipino food..

Mahirap at matagal atang lutuin to 'no? Will bookmark this one so I can copy and try the recipe if hv time.

Thank you for posting ha?

Mom of Four said...

Mabilis lang yan lutuin, igigisa mo lang kapag nahiwa mo na. need mo lang muna i boil ang intestine mo, lambutan mo para hindi chewy.

Cecile said...

wahhh, nakakagutom naman ittinuis :-)ong dinuguan na to; hay naku kailan kaya uli ako makakatikim ng

Anney said...

Kumakain ba ang husband mo nito? Mahilig din kami sa dinuguan. Hay naku si sis peyborit nya ang dugo!! grabe! Alam mo yung tinatawag na "betamax" yung inihaw na dugo na tinitinda sa mga kanto ng mga nag ba barbeque? hahahha! Paborito nya yun. Pag naglulugaw nga e nag re request pa yan na lagyan ng dugo ang lugaw. lol! half bampira kasi si sis kaya sobrang love nya ang blood!ahihihi!

Mom of Four said...

~~~~ANNEY- paborito ko tong Dinuguan, 2x a month nagluluto ako. Di na nga nai fe freezer na gaya ng aking plano, kasi ga't meron kain ako ng kain. My hubby doesn't eat this, maarte yun eh. Nilaga at Caldereta lang kinakain niya. Mahilig din pala si Peachy sa Dinuguan ah. I used to sell betamax saka mga isaw. Noong ako eh teen ager-dyahi pa nga kasi minsan nakikita ko ang aking mga suitors.

Dhemz said...

hhahha..ito pala ang pinaglalawayan ni sistah Umma...galing mo Mommy Liz magluto..hhaha..kakatuwa naman yung sabi mo...d ka naman maitim...hehhe..morena tawag jan....hehhe...:)

Mom of Four said...

~~~~DHEMZ, hahaha! ito nga ang dinuguan at wala ng iba pa. Masarap talaga siya lalo kung bihira kang makakakain. Matyaga akong magluto eh, kasi mahilig din ako kumain. Maitim ako talaga, pero I lovce my color naman..mukha nga lang akong yaya ng aking mga anak..Hehehe!

Sitemap